Go back to home resume




Personality
  • Adventurous
  • Willing to learn something new
  • Giving my best in everything I do
  • Flexible
  • Adaptable

Interest and Hobbies
  • Reading Books (particularly history and travel books)
  • Playing badminton
  • Photography
  • Writing (kung ano ano lang.)
  • Watching Movies (especially sci-fi and horror ang theme)
Favorites
Music: rnb, jazz or kahit ano basta nakakarelax
Food: different kinds of pasta and hamburger
Color:Pink and Blue
Place: Kung saan may tubig:)
Scene:Makitang masaya ang mga taong mahal ko:">

Saan nanggaling ang pangalan ko?
Actually, hindi ko rin alam pero ang sabi ni mama ay nanggaling daw sa isang sikat na singer yung Jaileen. Yung Christine idinagdag nya lng daw:)

Bakit ayaw kong tawagin ako sa pangalan kong Christine?
Noong elementary pa ako hindi ko talaga isinusulat ang pangalan kong Christine sa papel ko hindi dahil sa ayoko sa pangalan ko yan kundi sa mahaba ang pangalan ko. Nakakatamad kasing isulat. Yung tipong nakasagot na sila ng number one sa quiz nagsusulat pa rin ako ng pangalan. Kaya yung iba nagugulat kapag nakikita ang buong pangalan ko. One time pinagalitan ako ng bestfriend ko dahil sa hindi ko pagsusulat ng Christine sa papel ko. Kaya simula noon isinusulat ko na ang Christine. Pero hindi pa rin ako pumapayag na tawagin ng Christine. Kasi hindi ako sanay natawagin sa pangalan ko yon. Dati alam ko may sinapak na ako dahil tinawag nya akong Christine (hindi joke lang! hehehe). Sanay ako na ang bawat taong mahalaga sa kin tinatawag ako sa iba't ibang pangalan katulad sa bahay leen ang pangalan ko. Sa school at sa mga kaibigan ko ay Jai. Si Jhobelle naman ay Jai-Jai ang tawag sa kin. Yung iba ang tawag sa kin ay JC (in short for Jaileen Christine) Pero ang pangalan kong Christine ay nakalaan itawag sa isang taong soon ay magiging mahalaga rin sa kin :">.

Frustration and Aspirations
Masasabi kong wala pa akong maituturing na frustration sa buhay ko kasi hindi ako naniniwala doon. Naniniwala ako na habang buhay ka pa sa mundong ito, may pag asa ka pang tuparin ang mga pangarap mo. Naniniwala rin ako na habang marunong kang ka pang mangarap, lahat ng yan ay posible mangyari sa yo. Ang aspirations sa buhay ang mabigayan ng magandang buhay ang pamilya ko at makitang kumportable at masaya sila sa buhay nila. Para sa sarili ko, masagot ang mga tanong ko sa buhay ko. Kasagutan sa mga tanong na matagal ko hinahanapan ng sagot. Yun lang.

What is love for Jaileen?
Para sa kin ang pagibig ay isang mahiwagang damdamin sa buhay ng isang tao. Ito ay isang emosyon kung saan ang bawat tao ay nabubulag at naging manhid sa mga bagay na posible makasakit sa kanya. Kung saan ang isang tao ay kayang isakripisyo ang lahat alang-alang sa mga taong mahalaga sa kanya. Kaya para sa kin ang pagibig ay isang emosyon ng isang tao ay handang gawin ang lahat para sa mga taong mahalaga sa kanya.

Why Jaileen likes history?
Gusto ko ang history dahil sa tuwing binabalik ko ang nakaraan ng isang tao, lugar o bagay, mas nakikilala at naappreciate ang mga ito. Noong bata pa ako madalas akong kinukwentuhan ng mama ko tungkol sa buhay nila sa probinsya. Dahil doon mas nakilala ko ang nanay ko at mas naapreciate ko sya. Paraan ko rin ito sa pagtakas sa realidad ng buhay lalo na kapag may problema ako. Feeling ko nakakarating ako sa malayong lugar at mga lugar rin kung saan gusto kong puntahan sa hinaharap. Isang rin sa mga dahil ko ay may nagsabi sa kin na kung alam ang kasaysayan ay malalaman mo ang yaman at misteryo ng mundo. Ito mga salitang ito ay nagsilbi sa kin inspirasyon para alamin at mahalin ang kasaysayan ng mundo.